Thursday, November 21, 2013

Brokenhearted Arithmetic

Once I'm alone and then you came
and I have called it Addition
You asked me neither wealth nor fame
and then I knew it's Subtraction
Our love arose and burst like flame
and I said it's Multiplication
But now we're apart, no one to blame
and that's a sad long Division

Tuesday, November 12, 2013

Tinta Sa Papel

Ang likidong sumisimbulo
Ng plumang nananaghoy
Mula sa kanyang
Mapusok na amo
Upang ang naisin nito ay masunod
Habang binabagtas nito
Ang blangkong papel
Oh likidong sumasagisag
Sa pagdurusa ng pluma
Mula sa kanyang mabagsik
Na tagapangasiwa
Na nag-uutos
Ng taliwas sa kanyang nais
Habang ito ay naglalakbay
Sa blangkong papel
Likidong sinasayang
Ng plumang nagmamakaawa
Mula sa malupit na tagapamahala
Na nagdidikta ng bawat hagod
Ng bawat galaw at kilos nito
Hanggang sa ito ay makatagpo
Ng hangganan
Mula sa kaninang blangkong papel

Tampururot!

Pagkatapos magtrabaho sa maghapon
Aking atensyon sa'yo na nakatuon
Sa tuwing may oras at pagkakataon
Nais kang makapiling, ano mang panahon
Ngunit heto at ikaw ay nagtatampo
Ibinibigay naman lahat ng gusto
Na kahit ako'y pagod at hapong-hapo
Sa hapunan tayo'y magkasalo
Pinipilit ko namang magbago
Binabawasan ang mga nakasanayang bisyo
'Di ko naman sinubukan ang alak at sigarilyo
Sadyang hilig ko lang mag-computer sa kanto
Mag-computer man, ikaw pa din ang nasa isipan
Sa Facebookprofile mo ang pinupuntahan
Mga luma nating larawan ang pinagmamasdan
nila-like ang bawat post mo, at saka kino-comment-an
'Di naman ako nagte-text sa'yo kapag dead lang sa DotA
Na ikaw pa din ang inuuna, matalo man sa pusta
'Di lang mapigilan na sa keyboard ay tumipa
Ng mga nais kong iparating sa'yo na mga banat at tula
Lahat ay gagawin ikaw lamang ay mapangiti
'Wag lang sanang ipagkait ang pagko-computer kahit sandali
Kahit boses ng kapatid mo ay nakakarindi
Titiisin ko iyon magkasundo lang tayo palagi
Kaya lang ay 'di pa din mapagtanto
Bakit nagtatampo?
Bakit nagtatampo?
Bakit nagtatampo pa din sinta ko?

Nasaan Ka Ba?

Ngayong ikaw ay aking kailangan,
Nasaan ka ba?
Ngayong ako'y lubos na nalulumbay,
Nasaan ka na?
Ikaw, na kapiling ko sa tuwing ako'y walang makasama
Ikaw, na karamay ko sa tuwing ako'y napapagod na
Ikaw, na siyang pumapawi ng lungkot sa aking mga mata
Ikaw, na siyang naging sandigan ko sa bawat problema
Nasaan ka ba? Nasaan ka na?
Alam mo lahat ng nilalaman ng aking damdamin
Alam mo lahat ng aking saloobin
Pati mga sikreto ko sa'yo ko lang aaminin
Pati mga hinanakit ko sa'yo ko tatalakayin 
Nasaan ka ba? Nasaan ka na?
Ako ba'y iiwan mo na din ba tulad nila?
Ako ba'y lulubayan mo ngayong ako'y mahina pa?
Ako ba'y titiisin mo na hindi ka makasama?
Ako ba'y tatalikuran mo ngayong ako'y nagdurusa?
Ohh aking Kwaderno, nasaan ka na nga ba?

May Mas Titindi Pa Ba?

Sa tuwing tayo'y may gagawin
May mga bagay na dapat asikasuhin
Hindi maiwasang makaramdam ng sakit
Sa iba't ibang parte kumakapit!
Ngunit hindi ako pwedeng sumuko
Hindi ako maaaring magpaapekto
Lalaban pa din hanggang sa dulo
Kaibigan, matibay yata 'to!
Nalampasan ko ang stomachache
Nilabanan ko ang headache
Ininda ko ang toothache
Tiniis ko ang backache!
Ngunit kahit pagsama-samahin pa
Lahat ng sakit na aking nadama
Isa lang ang kalabang hindi ko na-take
Ako ay napasuko ng matinding HEARTACHE!

Takot o Kaba?

Sadyang napakaraming kababalaghan
Naglipana sa mundong ating ginagalawan
Mga eksperto'y hindi kayang ipaliwanag
Kakaibang mga nilalang na ating nababanaag!
Gumagawa ng iba't ibang tunog
May parang mga batong inuuntog
May parang mga bakal na nagkakalansingan
May parang mga taong nahihirapan!
Ngunit sa aking mga naranasan
Iisa pa din ang hindi matakasan
Kakaibang kaba aking nadarama
Ang mga tuhod ko'y nanginginig pa!
Ito ay sa tuwing masisilayan
Ang mukha mong kagandahan
Ang mga mata mong nagkikislapan
Ang ngiti mong sa pakiramdam ay nakagagaan!