Sunday, February 9, 2014

Siguro

Gusto ko
Gusto ko
Gusto ko sanang
Sabihin sa iyo
Pero paano
Paano
Pag malapit ka'y
Nauutal ako
Nahihiya
Tumitiklop
Nawawala bigla ang sasabihin ko

"May ka-partner ka na? Pwede bang tayo na lang?" Ang tanong na biglang bumulaga sa akin. We are asked to have a partner para sa project sa Programming. "O-oo! Si-sige!", ang tanging nasabi ko. Ako nga pala si Nico. Transferee kasi ako at wala pa masyadong kakilala. Sino ba naman ako para tumanggi sa isang katulad niya. Maganda, mukhang mabait at may nakakaakit na ngiti, mga ngiting tila nagpahinto ng oras ko sa mga sandaling iyon.
Bago pa man din matapos ang klase, biglang may kung anong tumulak sa akin, "Pe-pwede ko bang makuha number mo? Uhm, pa-para ma-contact kita para sa p-project." Kakaibang kaba ang aking nadama. Halos hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Agad siyang pumilas ng papel, nilagay ang number niya kasama ng pangalan niya. Nginitian niya lang ako at binigay ito sa akin. Agad ko naman itong kinuha at nagmadaling lumabas ng pinto. Sobra ang hiyang naramdaman ko, pero masaya na may kaibigan na din akong matatawag.
Ang nakikita ko lang
Ay ang mukha mo
Lahat sa paligid ko
Ay naglalaho
Sa tuwing makakasalubong ko siya, sa tuwing nasisilayan ko ang maamo niyang mukha, ang kanyang maningning na mga mata at ang pamatay niyang ngiti, nanghihina ako. Gusto ko sanang itanong sa kanya kung may lahi ba siyang mahikero, dahil sa tuwing nakikita ko siya, nawawala ang mga tao sa paligid niya. Pero heto ako, natotorpe. Ang tanging nasasabi ko lang ay 'Hi', sabay yuko at alis. Naiinis na ako sa sarili ko.
Binigyan ko siya ng regalo. Tinanong niya kung para saan ito. Nasabi ko lang na pasasalamat dahil sa pagiging magkaibigan namin at partner ko din kasi siya. Natuwa siya sa simpleng bookmark na may nakadikit ng Teddy Bear.
Siguro'y umiibig
Kahit di mo pinapansin
Magtitiis na lang ako
Magbabakasakaling
Ika'y mapatingin
Kahit sa panaginip
Ikaw lang
Ang aking hinihiling
Sa bawat ngiti mo
Sa panaginip ko
Parang ayaw ko nang magising
Siguro tinamaan na ako sa kanya. Ang bilis ng tibok na aking puso sa tuwing magkasama kami. Pinagpapawisan kahit malamig sa classroom. Parang may kung anong kuryente ang dumadaloy sa aking katawan kapag magkausap kami.
Paano ko nga ba sasabihin ang aking nadarama? Paano ko ba magawang magtapat kung sa tuwing kaming dalawa lang ang magkasama, hindi ko siya magawang kausapin ng harapan. Natatameme ako. Ewan ko ba.
Samu't-saring kantyaw ang inaabot ko sa mga kaibigan ko. Sinasabing humanap na lang daw ako ng iba dahil na din sa katorpehan ko. Hindi man siya maganda sa paningin ng iba, pero para sa akin, isa siyang prinsesa. Kahit mahirap itago ang nararamdaman ko, basta para sa kanya, gagawin ko. Ayaw kong mawala ang pagkakaibigang meron kami.
"Ayaw kong mawala siya!"
Ayaw ko
Ayaw ko
Ayaw ko sanang magmukhang tanga sa'yo
Pero nalilito
Nalilito
Pag sasabihin ay nagbubuhol ang dila ko
At tulala na lang sa'yo
Ano ba naman bakit lagi na lang ganito
Kung tungkol sa project namin, nakakapagsalita ako, pero hindi ko magawang tumingin sa kanya ng diretso. Nakatitig lang akong maigi sa monitor habang nagta-type para sa program project namin. May excuse ako sa panginginig ng mga kamay ko habang nagta-type, dahil akala niyang dahil sa lamig ng air-con. Ang hindi niya alam, dahil 'yun sa kanya, dahil ayaw kong mapahiya sa kanya.
One time, akala ko matapang na ako. Mag-isa siya sa library, nagbabasa. Naglakas-loob ako na magtapat sa kanya. I quickly approached her, pero nung tumingin na siya sa akin, natulala na naman ako. Dahil na din sa hindi ko alam ang sasabihin, dali-dali akong lumabas ng library, without saying a word on her.
"Bakit ba kasi napakatorpe ko?!"
Parang wala nang mangyayari sa nadarama
Sa bawat araw parang lalong lumalala
Bakit ba sa'yo hindi pa rin ako nagsasawa
Aasa na lang
Kahit sa pangarap lang
Foundation week na. Madaming pakulo ang mga estudyante at mga professors. Buti na lang walang klase. Pahinga sa loob ng 5 araw.
Second day ng foundation week. Bigla ko siyang nakita. Walang sabi-sabi ay hinawakan niya ang kamay ko at bigla akong niyaya sa mga pakulo sa University namin.
"Alam mo ba 'yung Pinoy Henyo?", tanong niya sa akin.
"Hm, Oo, medyo, bakit?"
"Ganun ba, tamang-tama, kasali tayo, ikaw ang partner ko!", sagot naman niya.
Pinoy Henyo? Paano nga ba 'yun? Bihira ko lang mapanood sa TV 'yun. Sana madali lang ang salitang mabunot namin. Agad-agad ay tinawag na kami dahil kami na ang maglalaro. Hinatak na naman niya ako at agad-agad naman akong sumama.
Bumunot siya at napiling ako ang magtatanong.
"Bahala na nga..."
"You guys have 2 minutes and go!"
Ako: "Tao ba 'to?"
Siya: "Oo!"
Ako: "Sikat ba 'to? Artista ba?"
Siya: "Oo, Oo!"
Bigla akong natahimik. Heto lang ang nakikita kong paraan para magtanong sa kanya.
*Breathe in, breathe out!*
Kahit umiibig
Kahit 'di mo pinapansin
Magtitiis na lang ako
Magbabakasakaling
Ika'y mapatingin
Kahit sa panaginip
Ikaw lang
Ang aking hinihiling
Sa bawat ngiti mo
Sa panaginip ko
Parang ayaw ko nang magising
Ako: "Simula pa ng makilala kita, nahulog na ako sa'yo. Hindi ko maipaliwanag kung paano pero Angelou, m-mahal kita!"
Nagsimulang maghiyawan ang mga nanonood. Lalo akong kinabahan, pero nandito na ako! Wala ng urungan 'to!
Ako: "A-Angelou, mahal mo din ba ako?"
Hindi siya umiimik. Nagulat sa mga sinabi ko. Akmang aalis na ako sa pagkapahiya ng biglang...
"Oo Nico, mahal din kita! Ikaw lang naman ang hinihintay ko e!", sabay ng pamumula ng kanyang pisngi.
"Gumraduate ka na din sa Torpe Academy!", sigaw ng mga kaibigan ko habang nagtatawanan at nagpapalakpakan.
Abot langit na ang aking pasasalamat pero...
Teacher: Mr. Nico Avila, What are the codes needed to run the Program?
Naku! Lagot na! Nananaginip na naman ako ng gising! 

No comments:

Post a Comment